Dinagdagan ng Commission on Elections ang oras na inilaan para sa mga nais magparehistro hanggang sa September 30, 2021.
Ayon kay Olongapo City Comelec Officer Atty. Marvyn Gaerlan, sa bagong inilabas na resolusyon, tatagal ang oras ng pagpaparehistro hanggang alas syete ng gabi kasama ang holidays at araw ng Sabado.
Nakikiusap naman ang opisina sa mga mayroong schedule na sumunod sa health protocols lalo na ang social distancing.
Matatandaan na kinakailangan muna ay mayroong appointment para sa schedule ng pagpaparehistro sa Comeclec.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO