Ordinansa na inaasahang lulutas sa problema sa mga nakalaylay na kable ng kuryente at internet sa Olongapo, ipinanunukala

Ipanunukala sa sangguniang panlungsod ng olongapo ang pagsasabatas ng Anti-Wire Dangling Ordinance.

Ito ay para solusyunan ang lumalalang problema sa mga sala-salabat at lumalaylay na kawad ng kuryente at mga kable na ikinabit ng ibat-ibang internet providers sa lungsod.

Ayon kay City Council Committee On Public Utilities Ying Anonat, sa halip na halos sumayad na sa lupa ang mga kable ay dapat 0.2 meters lang ang ibaba ng kawad mula sa poste kung saan ito nakakabit para maiwasang maging eyesore at pagmulan ng aksidente.

Matatandaan, matagal nang inirereklamo ng mga residente ang mga kable at makailang ulit na ring pinakiusapan ng city council ang mga kompanya pero makalipas ang ilang taon ay tila wala pa ring nagagawang solusyon.//Christian Andres-BNFM OLONGAPO

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *