Ordinansa na magpapataw ng parusa sa mga colorum na tricycle sa Olongapo, aprobado na

Aprobado na ang lokal na ordinansang nagbabawal sa operasyon at magpapataw ng parusa sa mga colorum o hindi rehistradong tricycle sa Olongapo City.

Ito ay sa ilalim ng Ordinance No. 02 Series of 2023 o Anti-Colorum Ordinance ni Kon. Tata Paulino.

Base sa ordinansa, maaaring mapagmulta ang may-ari ng 5,000 sa unang paglabag habang sa ikalawang paglabag ay may multa ring 5,000 at karagdagang sampong araw na community service.

Sa ikatlong beses namang mahuhuli na lumabag sa ordinansa ay multa pa ring 5,000 kabilang na ang pagkumpiska at pagsira sa sidecar.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *