Ordinansa para sa SSS contribution ng BHW, BNS at BDCW sa lungsod ng Sorsogon lusot na sa SP

                                                                                                                                               Aprubado na sa Sangguniang Panlalawigan ang ordinansa para SSS Contribution para sa mga Barangay Health Workers (BHW), Barangay Nutrition Scholars (BNS) at Barangay Day Care Workers (BDCW).

Layunin ng ordinansa na ini-akda ni City Vice Mayor Eric Dioneda na kilalanin ang walang pag-iimbot na pagbibigay serbisyo ng mga BHW, BNS at BDCW at pagtupad sa kanilang mga tungkulin sa mga Barangay at Pamahalaang Lungsod sa kabila ng maliit na kabayarang kanilang natatanggap.

Gayundin, ito ay para sa kanilang personal na seguridad, para sa kanilang mga layunin ng seguro na maaari nilang magamit sa oras panahon ng emergency at sa pagtiyak din ng kanilang kinabukasan.

Bukod sa mga Board Members ay pinasalamatan ng bise alkalde ang Local Chief Executive gayundin ang City LGU sa buong suportang ipinagkaloob ng mga ito sa nasabing ordinansa.

Ang ordinansa ay may titulong “AN ORDINANCE AUTHORIZING THE CITY GOVERNMENT OF SORSOGON FOR THE SUBSCRIPTION AND PAYMENT OF SOCIAL SECURITY SYSTEM MEMBERS CONTRIBUTION BENEFITS FOR QUALIFIED ACCREDITED BARANGAY HEALTH WORKERS, BARANGAY NUTRITION SCHOLARS AND BARANGAY DAY CARE WORKERS OF THE 64 BARANGAYS IN THE CITY OF SORSOGON.”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *