Ordinansa sa Mecedes na mag-oobliga sa magkapareha na magtanim ng puno bago ikasal muling ihahain sa Sangguniang Bayan

CAMARINES NORTE- Ire- refile o muling ihahain sa Sangguniang Bayan ang “Mercedes Plant a Love Tree Ordinance” sa bayan ng Mercedes, Camarines Norte makaraang i- disapprove ng Sangguniang Panlalawigan dahil sa teknikalidad.

Ayon sa may akda ng ordinansa na si Coun. Colen Ibasco nakipag ugnayan na umano siya sa Provincial Legal Office para hingin ang advise nito.

Alinsunod kasi sa inaprobahang ordinansa noong Marso, mabibigyan lang ng Pre- Marriage Counseling Certificate ang magkasintahan na nagnanais magpakasal kapag nakapagtanim ng hindi bababa sa sampung puno na irerehistro sa kanilang pangalan.

Ang hindi pagtalima sa naturang probisyon ng ordinansa ay ground para hindi bigyan ng Marriage License ang magkasintahan.

Paliwanag ni Ibasco itutuon ngayon ang pansin sa Kasalang Bayan na dahil libre ay hinihikayat ang mga  ikakasal na magtanim ng puno bilang kanilang ambag sa LGU.

Ang ordinansa ay balik sa karaniwang proseso na dadaan sa first reading, public hearing hanggang maaprobahan sa ikatlo at huling pagbasa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *