Ordinansang magtatag ng Solo Parents Division sa ilalim ng MSWDO ng LGU Mercedes aprubado na ng Sangguniang Bayan

CAMARINES NORTE- Aprubado na sa ikatlo at huling pagbasa ng Sangguniang Bayan ang ordinansang magtatag ng Solo Parents Division sa ilalim ng Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO) ng Lokal na Pamahalaang Bayan ng Mercedes, Camarines Norte.

Naaprobahan ang ordinansang iniakda nina Councilors Colen Ibasco at Robert James Salalima noon pang February 7, 2023 sa ika- 32nd regular session ng SB at sa ngayon ay pirma na lang ni Mayor Alexander Pajarillo ang hinihintay.

Kabilang sa mandato ng Solo Parents Division sa ilalim ng ordinansa ay magplano, magpatupad at sumuri ng taunang work programs, magsagawa ng quarterly validation sa solo parents, magsilbing general information and liason center, i- monitor ang compliance sa Republic Act 8972 o ang Solo Parents’ Welfare Act of 2000 partikular na ang pagkakaloob ng mga pribelihiyo at karagdagang benepisyo, pag- assist sa solo parents sa paghahain ng reklamo at iba pa.

Nakasaad din sa ordinansa na lahat ng barangay ay dapat magkaroon ng Solo Parents Help Desk para magbigay ng agarang tulong sa solo parents at sa kanilang mga anak.

Ilan pa sa mahahalagang nilalaman ng ordinansa ay ang pagkakaroon ng Livelihood Skills Development Program, crisis intervention program para sa solo parents na may hiwalay na taunang alokasyon ng pondo para sa kanila, medical, burial at transportation assistance in crisis situation, counseling services, coaching services, stress debriefing services, referral services sa non- government organizations, social safety assistance program at education assistance program.

Mayroon itong probisyon patungkol sa Parental Leave Monitoring kung saan entitled din sa seven- day parental leave benefits ang solo parent kasambahay.

Pinatitiyak din ang Medical Assistance para sa solo parents at sa kanilang mga anak gayundin ang access sa primary care services.

Dapat ding maglaan ng espasyo para sa breastfeeding area ang LGU.

Sa ilalim din ng ordinansa ay inaatasan ang LGU na maglaan ng monthly cash subsidy na nagkakahalaga ng P1,000.00 sa qualified solo parents na kabilang sa minimum wage earners o mas mababa pa basta ito ay hindi recipient  ng kahit na anong cash assistance subsidy mula sa ibang programa ng gobyerno.

Dapat ding ipatupad ang 10 % discount at exemption sa Value Added Tax (VAT) para sa gatas ng bata, pagkain at supplements, sanitary diapers, prescribed medicines, vaccines at iba pa.

Mayroon ding probisyon para sa Special Assistance for Abused, Abandoned or neglected solo parents na biktima ng domestic violence, special protection for adolescence solo parents at monthly transportation allowance para sa mga presidente ng Solo Parents Association sa Barangay.

Multang mula P500.00 hanggang P2,000 ang ipapataw sa sinumang lalabag sa mga probisyon ng naturang ordinansa.

Maaari ding kanselahin o bawiin ng LGU ang business permit, permit to operate, franchise and other privileges  ng mga establishment na lalabag sa ordinansa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *