Ordinansang tutulong sa mga magsasakang IPs sa Tigaon, Camarines Sur, ipinanawagan

CAMARINES SUR —  Malaki ang epekto sa mga magsasaka sa Partido Area kapag nagpatuloy anila ang pag-aangkat ng mga pangunahing gulay na mayroon naman ang distrito, kung kaya’t panawagan ngayon ng isang grupo sa mga lokal na gobierno ng bawat bayan, na magkaroon ng ordinansang susuporta sa mga magsasakang Indigenous People o mga IPs na lubos na apektado nito.

Sa panayam ng Brigada News FM Naga kay Vicky Purisima, ang presidente ng Vegetable Growers Association of ARB-Libod Tinawagan (VEGAT), at chieftain ng Agta Tabangnon sa bayan ng Tigaon, sa Partido Area, nadadamay kasi umano ang mga magsasaka at ang galaw ng presyo ng mga produkto kapag nagsisibagsakan ang mga gulay na inaangkat mula sa ibang probinsya na kung susumahin mayroon naman sa mga magsasaka. Dapat rin aniyang masiguro sana ng mga LGU na mas tangkilikin ang mga produktong lokal, bilang tulong na rin sa mga magsasaka.

Sa ngayon, bagaman nasa planting season na ang mga magsasakang IPs sa nasabing bayan, sapat pa rin aniya ang kanilang supply ng gulay, at umaasang makakabawi na bunsod ng halos dalawang buwan na pagkakatigil sa pagtatanim dahil sa matinding epekto ng El Niño.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *