Organisasyon ng mga magsasaka sa Albay, makakatanggap ng marketing opportunities at mga serbisyo

LEGAZPI CITY – Tiniyak ng Agrarian Reform Beneficiaries’ Organization (ARBO) na ang mga maliliit na magsasaka ay nakasisiguro ng karagdagang oportunidad sa marketing at mgaserbisyo para sa kanilang mga pangkabuhayan.

Ito ay matapos lagdaan ang Memorandum of Understanding (MOU) sa pagitan ng Department of Agrarian Reform (DAR), 18 LGUs sa lalawigan ng Albay, at ng Department of Interior and Local Government Unit (DILG) upang mabigyan ang mga ARBOs ng mga programa para mapabuti ang kanilang mga aktibidad pangkabuhayan.

Ang nilagdaan na MOU ay alinsunod sa direktiba ni DAR Secretary Conrado Estrella III na tulungang mapaunlad ang pamumuhay ng mga agrarian reform beneficiary.

Ayon kay Rodrigo Realubit, DAR Bicol OIC Regional Director, ang aktibidad ay naipatupad sa ilalim ng Enhanced Partnership against Hunger and Poverty (EPAHP) program, isang programa ng pamahalaan na tumutugon sa mga problema ng seguridad sa pagkain, kagutuman at kahirapan sa pamamagitan ng pagsasanib ng serbisyo ng mga ahensya ng gobyerno.

Sa ilalim ng MOU, ang provincial government ng Albay ay magbibigay ng marketing assistance sa mga ARBO sa pamamagitan ng pag-uugnay sa kanila sa mga institutional markets sa pamamagitan ng pagsasagawa ng marketing agreement sa mga DOH-retained hospitals, Albay Provincial Jail, Albay Provincial Drug Rehabilitation and Treatment Facility, Residential Care Facilities, at makapagbigay ng basic social, agricultural, at technical support services sa ilalim ng Provincial Social Welfare and Development Office at ng Albay Provincial Agricultural Office.

Dagdag pa ng opisyal, tutulong sa mga ARBO at mga magsasaka sa kanilang produksyon at tamang oras ng paghahatid sa kanilang produkto para sa merkado, pagbibigay ng suportang serbisyo, pagbibigay ng access sa tulong pinansyal, at pagbibigay ng capacity-building at technical support.

Samantala ang mga LGU ng Bacacay, Malilipot, Malinao, Sto. Domingo, Tabaco City, Tiwi, Camalig, Daraga, Legazpi City, Manito, Rapu-Rapu, Guinobatan, Jovellar, Libon, Ligao City, Oas, Pio Duran, at Polangui ay tutulungan ang mga kwalipikadong ARBO sa pagsasagawa ng marketing agreements sa kanilang mga supplementation feeding program.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *