Organs ng ilan sa mga biktima ng starvation Cult sa Kenya, nawawala

Nawawala ang ilang organs ng mga biktima ng Good News International Church cult na naniwalang sila ay mapupunta sa langit kung papatayin ang kanilang sarili sa gutom.

Ayon sa AFP news agency, natapos na ang post-mortem examinations sa 112 bangkay na nahukay o na-recover.

Lumabas sa resulta , na nawawala ang ilang organs ng mga ito na pinaniniwalaang ibinenta ng ilang sangkot sa insidente.

Lumalabas rin sa ekasaminasyon na bagamat starvation o gutom ang lumilitaw na pangunahing sanhi ng kamatayan ng mga biktima, ilan sa mga ito, kabilang ang mga bata, ay napag-alamang sinakal, binugbog, o na-suffocate.

Samantala, pinayagan naman ng korte na makapagpiyansa ang naarestong pastor ng Good News International Church na si Paul Mackenzie para sa kanyang pansamantalang kalayaan habang dinidinig ang terrorism charges laban sa kanya.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *