Oscars, tuloy sa March 27 na may host

Magkakaroon ng host sa kauna-unahang pagkakaton simula noong 2019 ang Academy Awards, at magbabalik sa longtime home sa Dolby Theatre.

Sa kabila naman na ang mga awards shows ay ipinagpaliban dahil sa surge sa kaso ng COVID-19, sinabi ng Walt Disney Co.’s ABC na nananatili ang plano para sa pagsasagawa ng Oscars, ang highest film honors, sa March 27 sa Los Angeles.

Wala pa namang detalye kung sino ang pagiging host sa naturang prestihiyosong parangal.

Mababatid na ang Oscars ay isinagawa ng mga celebrity presenters, pero walang host noong 2019, 2020 at 2021.

Kaugnay nito, bumagsak rin ang ratings para sa telecast sa mga nakalipas na taon sa record low na 10.4 million katao sa United States noong 2021. Viewership of other awards shows also has declined.

Samantala, ang nominasyon para sa Oscars ay iaanunsyo sa Feb. 8.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *