OTS, hinikayat ang mga pasahero na magsampa ng kaso sa isang OTS personnel na nanguha ng gamit

Hinimok ni Office for Transporation Security (OTS) chief Usec. Mao Aplasca ang mga pasaherong mabi-biktima ng kanilang mga screening personnel na kaagad magsumbong sa kanilang tanggapan.

‘Di pa man kasi tapos at humupa ang isyu ng hinihinalang paglunok ng isang OTS personnel ng $300 mula sa isang pasahero – isa na namang tauhan nito ang sinibak matapos ‘di umano’y kumuha ng ‘gamit’.

Sa CCTV footage, makikita ang tila’y pagkuha niya ng gamit sa isang pasahero kung saan – ang depensa naman ng personnel ay binigyan lang siya ng tsokolate.

Tiniyak naman ni Aplasca na iniimbestigahan na nila ang lahat ng anggulo hinggil sa insidente.

Hindi rin niya isinasantabi ang posibilidad na baka suhol ito ng pasahero para may palusutin na ipinagbabawal sa paliparan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *