Umapela naman si resigned Office for Transportation (OTS) Adminstrator Usec. MaO Aplasca sa susunod na lider ng tanggapan na ipagpatuloy ang kampanya laban sa katiwalian.

Panawagan ni Aplasca sa Pangulo, dapat ay bigyan ng buong-tiwala at suporta ang susunod na ia-appoint na OTS chief.
Maaalalang nag-resign si Aplasca matapos ang banta ni House Speaker Martin Romualdez na hindi bibigyan ng budget ang OTS.
Samantala, kinumpirma naman ni Transportation Sec. Jaime Bautista na ‘guilty’ ang apat na OTS personnel sa isyu ng paglunok ng $300 mula sa isang pasahero.
Sabi ng Kalihim, na-forward na sa kaniya ang report at napatunayan umano ang alegasyon laban sa apat na tauhan, kabilang na ng mismong babaeng staff na nag-viral sa isang video.