Outreach program para sa mga naapektuhan ng nagdaang engkwentro sa Sta. Margarita, isinagawa

Nagsagawa ang DSWD Regional Field Office 2 katuwang ang Police Regional Office 2 ng community outreach program para sa mga naapektuhan ng nagdaang sugapaan sa pagitan ng military at NPA sa Sta. Margarita, Baggao, Cagayan.

Sa nakuhang impormasyon ng 92.9 Brigada News FM Cauayan sa DSWD RFO2, nasa 200 family food packs ang ipinamahagi sa mga apektadong pamilya o Internally Displaced Persons (IDPs).

Nagpahayag naman ng pasasalamat ang isa sa mga benepisaryo na si Carmelita Pagaduan matapos ang ikatlong pagkakataon nang makatanggap ng ayuda mula nang nangyari ang naturang sagupaan.

Kabilang sa mga lumahok sa aktibidad ang PNP, 501st Infantry Brigade, Philippine Army, National Intelligence Coordinating Agency, Local at Government Unit.

Ilan sa mga serbisyong natanggap ng mga residente ay feeding activity, relief packs, libreng gupit, dental check-ups at minor tooth extraction.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *