Outstanding employees, Drug Cleared Brgys., kinilala ng Las Piñas

Kinilala ng pamahalaang panlungsod ng Las Piñas ang mga kawani, opisyal at operating units na nagpamalas ng mahusay na performance sa paghahatid ng programa, proyekto at aktibidad.

Inilunsad ang Las Piñas City Local Governance Exemplar Award 2023 upang lumikha ng mekanismo sa pagtukoy, pagpili, pagpaparangal at pagbibigay ng insentibo sa mga karapat-dapat na tanggapan, opisyal at empleyado.

Ayon kay Las Piñas City Mayor Mel Aguilar, binibigyan ng pagkilala ang accomplishments ng mga kawani na nagtataguyod sa prinsipyo ng knowledge management, convergence at multi-stakeholder partnership para sa implementasyon ng mga programa, proyekto at inisyatiba ng LGU.

Sinabi ni Aguilar na layon nito na ma-institutionalize ang pagkilala at pagpaparangal upang magkaroon ng motibasyon ang mga empleyado na nag-ambag ng ideya, suhestyon, accomplishments, career milestones at personal development efforts.

Kabilang sa mga binigyang-pagkilala sa City Level Awards ang Manila Bay Clean-Up, Rehabilitation and Preservation Program; Halina’t Magtanim ng Prutas at Gulay – Kalinga Program at Pantawid Farmers ng Talon Kuatro-Livelihood Association.

Bukod dito, ang Barangay Level Awards ay kinabibilangan ng Safe Barangay Awards, Drug Cleared Barangays, Best Barangay Nutrition Scholars at Seal of Good Governance for Barangays.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *