Over-all COVID-19 vaccination status sa Camarines Norte nasa 82.9%

CAMARINES NORTE – Umaabot sa 82. 9 % ang over- all Covid- 19 vaccination sa lalawigan ng Camarines Norte hanggang nitong September 12, 2023.

Batay ito sa datos ng Provincial Epidemiology and Surveillance Unit (PESU) ng Provincial Health Office na iprinesenta sa isinagawang Press Conference kahapon na inorganisa ng Department of Health Bicol na ginanap dito sa bayan ng Daet.

Ayon kay Dr. Raymond Luzarraga, PESU Officer ng PHO Camarines Norte tatlong bayan ang halos naabot na ang over- all vaccination status at ito ang Jose Panganiban, Labo at Vinzons.

Sa kabilang dako mababa pa rin at kailangang maghabol ng Paracale at Sta Elena.

Nasa 75. 9 % naman ang vaccination status sa senior citizen at dito ay kailangan pang maghabol ng Labo, Paracale, San Lorenzo Ruiz, Sta Elena at Vinzons.

Maganda naman ang vaccination status sa age group na 18-59 na nasa 93. 5 % gayundin ang 12- 17 na lumagpas sa target na mayroong 117. 9 %.

Sa kabilang dako mababa naman ang vaccination coverage sa age group na 5- 11 na nasa 23 % pa lang.

Nasa 82. 9 % ang nakatanggap ng first dose, 72. 3 % partially vaccinated at nasa 75. 1 % naman ang fully vaccinated ng primary series.

Nananatili namang mababa ang nakatanggap ng booster shot na nasa 12. 5 % habang nasa 2. 02 % lang ang nakatanggap ng second booster sa kabuuan ng populasyon ng lalawigan.

Ayon kay Luzarraga kailangan pang paigtingin ang health information and education patungkol sa Covid- 19 vaccination.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *