Overall accomplishment ng Camarines Norte sa MR OPV SIA halos kalahati pa lang sa target population

CAMARINES NORTE- Halos kalahati pa lang ng target population ang overall accomplishment ng Camarines Norte sa nagpapatuloy na Measles Rubella Oral Polio Vaccine Supplemental Immunization Activity (MR OPV SIA) 2023.

Batay sa Partial and Unofficial Quick Count ng Department of Health at Provincial Health Office hanggang nitong Lunes, May 15,  nasa 32, 416 pa lang o 49. 69 % ang mga batang na-immunized sa loob ng dalawang linggong pinalawak na bakunahan.

Mayroong projected population na 65, 242 para sa mga edad 9 to 59 months sa buong lalawigan.

Target ng DOH at ng PHO na ma-immunized ang nasa 58, 718 na mga bata sa naturang age group sa ikatlong linggo ng MR OPV SIA.

Nagtakda ang mga nabanggit na opisina ng daily target na 5, 260.

Sa ngayon nangunguna ang Vinzons sa may pinakamalaking bahagdan ng mga batang na-immunized na may 61. 28 % na sinusundan ng San Vicente na may 60. 94.

Pasok din sa top five ang Paracale na may 57. 94 %, Labo na may 55. 04 % at Basud na may 54. 90 %.

Ang kabiserang bayan ng Daet na isa sa may pinakamaraming projected population ay nakaka- 46. 54 % pa lang ng immunization coverage.

Samantala, nasa 32, 826 naman ang nananatiling unvaccinated, 728 ang na- defer at mayroon namang 48 tumangging pabakunahan ang kanilang mga anak.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *