KORONADAL CITY- BINUKSAN na ng Overseas Workers Welfare Administration o OWWA Region 12 ang application para sa OFW Dependents Scholarship Program o ODSP.
Ito ay bukas sa mga eligible dependents ng mga active OWWA members na may monthly salary na $ 600. Ang aplikante ay dapat single, hindi lalagpas sa 21 years old sa mga incoming 1st year college students, at 30 years old pababa sa mga kasalukuyang enrolled sa kolehiyo, walang failing grade at may general weighted average na hindi bababa sa 75%.
Sa mga interesado, magsumite lamang ng application sa mga Public OFW Desk Office (PODO) hanggang July 27, hanggang July 31 sa Regional Welfare Office.
Ito ay first come first serve basis dahil nasa 110 lamang ang slots para sa region 12.
Ang mga ODSP scholars ay makakatanggap ng financial assistance na P 20,000 per academic year.
