Oxford sisimulang mamigay ng Ivermectin sa mga taong may COVID-19 symptoms

Susubukan na ng mga scientist ng University of Oxford ang pagbibigay ng Ivermectin sa mga taong mayroong COVID symptoms.

Layon ng trial na malaman kung hindi na kailangang maospital ng mga pasyente ng COVID-19.

Ayon sa report, maliban sa paggamot sa parasitic infections, nagagawa din umanong patayin ng Ivermectin ang mga virus sa “petri-dishes”.

Matatandaan na naging kontrobersiyal ng Ivermectin matapos i-promote sa Latin America at South Africa ang paggamit nito sa kabila ng hindi pa ito napapatunayan sa mga pag-aaral.

Ang nasabing gamot ay ginagamit sa ilang bahagi ng mundo na mayroong mataas na insidente ng parasitic infections.

Nilinaw naman ni Principle Joint Chief Investigator Prof Richard Hobbs na bagamat mayroong promising results mula sa mga pag-aaral, masyado pa aniyang maaga para mairekomenda ang paggamit ng Ivermectin laban sa COVID-19

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *