Oxygen supply shortage sa BMC, pinabulaanan; ilang lugar sa Naga City maaari nang isailalim sa granular lockdown

NAGA CITY- Pinabulaanan ng Bicol Medical Center sa Naga City ang kumakalat na mensahe sa social media na may shortage na ng oxygen supply dahil sa dami ng COVID-cases.

Sinabi ng pamunuan ng ospital na umaabot sa 100 ang daily average ng naadmit na ang COVID-19 patients subalit bago pa man ang surge o pagtaas ng kaso nakapag secure na ng sapat na supply ng oxygen ang ospital para mga COVID at non-COVID patients.  Patuloy din sa paghahanap pa ng mahigit 20 na high flow oxygen machines.

Gayunpaman umaapela ang BMC sa publiko na iwasan ang mga pagtitipon at sumunod sa ipinatutupad na minimum health standards upang hindi ito mangyari.

Bago ito, umabot sa 1, 529 ang aktibong kaso ng COVID-19 sa Camarines Sur habang 644 sa Naga.  Ang iba ay nasa treatment and isolation facilities habang ang mga moderate, severe, at critical cases ay nasa BMC.

Samantala , sa lungsod maaari nang isailalim sa granular lockdown ang mga lugar na maraming kaso upang mapabagal ang paghawa ng virus at hindi tuluyang mawalan ng bakante sa mga ospital. Nangununga rito ang mga subdivisions at settlement areas ayon kay Willy Prilles ng City Planning Office at City Analytics . Sa huling tala ng Health Emergency Response Task Force o HERTF may mga barangay na mataas ang active cases tulad ng San Felipe na umabot sa 80, Concepcion Pequeña na umabot sa 78 at Concepcion Grade na 65 nitong nagdaang araw.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *