Oxygen tank sa CRMC kulang na

KINUKULANG na ng oxygen tank ang Cotabato Regional and Medical Center o CRMC dahil sa patuloy na pagtaas ng bilang ng mga nagpopositibo sa COVID-19.

Sinabi ni Dr. John O Maliga tumatayong tagapagsalita ng CRMC na tanging mga severe at critical cases na lamang ng COVID-19 ang pinapayagang ma-admit sa pagamutan.

Sa kasalukuyan mayroong dalawang incubated patient ang CRMC kung saan ito nangangailangan ng 15 tanks per day at ito ay ita-times 2.

Dagdag pa ni Dr. Maliga na kung minsan ay inaabot ng isang buwan mula sa orihinal na 14 days quarantine ang mga severe at critical patient nila at lahat ito ay naka-oxygen.

Sa kasalukuyan mayroong isang daan at labing isang pasyenteng nagpositibo sa virus ang kasalukuyang naka-admit ngayon sa CRMC. Nabatid na mayroon lamang 180 bed capacity ang CRMC para sa mga pasyente ng COVID-19.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *