KORONADAL CITY- NAKAKUMPISKA ang Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA 12 ng P 10.8 million na halaga ng ilegal na droga mula noong Enero 1 hanggang Setyembre 23, 2023.
Inihayag ni Kat Abad, information officer ng PDEA 12 na ito ay mula sa 47 mga anti-illegal drugs operation na kanilang isinagawa sa buong Soccsksargen kasama ang Philippine National Police.
Sa mga nakumpiska, P 6.4 million ang halaga ng shabu habang P 4.2 million naman ang marijuana.
Nasa 112 na mga drug personalities ang naaresto habang 267 cases naman ang naisampa sa korte.
