P 35 million isinusulong na pondo para sa Kabugwason Paglaum Scholarship Program

KORONADAL CITY- UMABOT sa P 35 million ang isinusulong na pondo para sa Kabugwason Paglaum Scholarship Program o KPSP ng South Cotabato ngayong taon.

Inihayag ni KPSP head Atty. Rhonalyn Gallego na malaking bahagi nito ay mapupunta sa regular scholarship program na pinondohan ng P 26 million habang P 7 million naman sa Grant-in Aid Program.

Ayon kay Gallego na ang mga benepisyaryo ng grant-in aid ay makakatanggap ng P 10,000 na financial assistance bawat semester.

Sa ngayon, nagpapatuloy ang pagtanggap ng application ng KPSP para sa grant-in aid.

Makikinabang dito ang mga college students na taga South Cotabato na walang scholarship at hindi nakapasok sa regular scholarship program.
Samantala, ang mga regular scholars ay makakatanggap naman ng financial assistance para sa kanilang tuition fee at monthly stipend.

Sa kasalukuyan, ang South Cotabato ay mayroong 444 grantees sa regular courses at ladderized program; 384 sa grant-in aid; at 28 sa post graduate degree program na kinabibilangan ng 14 sa law at14 sa medicine.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *