KORONADAL CITY- NAMAHAGI ang Department of Agriculture o DA Region 12 sa ilalim ng Corn Program ng 13 units ng hauling trucks sa 13 mga asosasyon sa Cotabato, Saranggani, South Cotabato at Sultan Kudarat. Ito ay may kabuuang halaga na P 35 million.
Umaasa naman ang DA na sa pamamagitan nito, masosolusyunan ang madalas na problema ng mga farmer-members katulad ng high rejection rate, high transportation costs, delays sa delivery, at kawalan ng capitalization. Kabilang sa mga asosasyon na nakinabang sa South Cotabato at Sultan Kudarat ay ang Topland Farmers Multipurpose Cooperative, Community Farmers and Empowerment Program Association, Surallah Upland Farmers Association, Mandod Farmers Association, at Tinumigues Agri-Business Association.
Sa Saranggani at Cotabato naman, nabigyan nito ang Lun Masla Farmers Association, Blat Farmers Association, Dacera Datal Mutag Blaan Organization, Guiling Christian Farmers Association, Iranon Multipurpose Cooperative, Kisupaan Agrarian Reform Beneficiaries Organization, Pantar Farmers, at Tulunan Cassava Planters Association.
