P4.4Milyon na halaga ng shabu, nakumpiska sa ikinasang search warrant sa Naga City

NAGA CITY – Aabot sa P4.4-milyon na halaga ng shabu ang nakumpiska ng Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA at ng Naga City Police Office sa pagsilbi ng search warrant sa dalawang tahanan sa Brgy. Cararayan, Lungsod ng Naga.

Kinilala ang mga suspek na sila Johnel Maristela y Papa, alyas “Putol” 41-anyos at si Leon Casilao, 39-anyos, isang welder ng naturang barangay.

Nakuha sa kanilang pag-iingat ang mga pakete laman ang illegal na droga na tumitimbang nang hindi bababa sa kalahating kilo.

Walang pahayag ang dalawa.

Samantala, hinihikayat naman ng NCPO ng kooperasyon at suporta ng mga Barangay Opisyal sa mga inilulunsad na mga operasyon kontra illegal na droga ng PNP sa lungsod upang tuluyan ng matuldukan ang problema sa pinagbabawal na gamot.

Ayon kay PLtCol. Dario Sola, ang Deputy City Director for Operations ng NCPO, kaugnay ito ng pangyayari sa nakaraang gabi kung saan isang Punong Brgy. sa lungsod ang tumangging tumayo bilang isa sa mga mandatory witness kung kaya naman kumuha na lamang sa karatig na barangay ang mga operatiba ng kagawad sa barangay upang maging legal ang operasyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *