P1.2 billion halaga ng shabu nasabat sa Bacoor Cavite, 2 suspek patay!

Kinumpirma ni NCRPO chief PMGen Vicente Danao Jr. na konektado ang nasabat na P1.2-Billion halaga ng shabu sa Bacoor Cavite kagabi sa operasyon sa Candelaria, Zambales kung saan narekober ang P3.4 billion halaga ng droga kamakalawa.

Aabot sa 181 kilograms ang nakuha na pinagsanib na pwersa ng Philippine Drugs Enforcement Agency (PDEA) at Philippine National Police (PNP) sa naganap na operasyon.

Napatay naman ang dalawang suspek na sinasabing konektado sa Chinese syndicate sa Zambales matapos itong manlaban sa mga otoridad.

Ayon kay PDEA Calabarzon director Juvenal Azurin, ginagawang bodega ng iligal na droga ng Golden Triangle Syndicate ang lugar kung saan napatay ang mga suspek.

Sa isang follow-up operation naaresto naman ang isang mag-asawa sa Bahayang Pag-Asa, Barangay Magdalo, Imus kung saan karagdagang P326 million halaga ng hinihinalang shabu ang narekober.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *