P1.3 milyon na halaga ng shabu nasamsam sa Naga

NAGA CITY- Huli ng mga otoridad ang magkalive-in partner sa umano’y pagbabenta ng iligal na droga, nasamsam ng mga operatiba ang mahigit sa P1.3 milyon na halaga ng shabu.

Sa report ng PNP Naga nangyari ito bandang alas- 8 ng gabi sa Brgy. Cararayan, Naga City. P150K ang buybust money sa High Impact Operation ng Regional Police Drug Enforcement Unit 5 (ODRDO-RPDEU5 Team Camarines Sur/Naga as Lead Unit)  kasama ang CDEU-NCPO at  SDEU PS6-NCPO sa koordinasyon sa PDEA ROV.

Kinilala ang mga suspek na sina Marivic Cabral y Barquilla, 38-anyos at  Jason Belleza , 24-anyos ng San Rafael, Brgy Cararayan, Naga City.

Nakumpiska sa mga ito ang buy bust item na 50 gramo, isang nakaplastic na tumitimbang naman ng nasa 150g. May street value na  Php1,360,000.00.

Sa panayam ng Brigada News FM Naga kay Belleza, itinanggi nito na kanya ang items.

Ayon sa mga otoridad kinukuha ang supply sa Cavite.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *