P1.5-M NA HALAGA NG PRODUKTONG PETROLYO NA ILIGAL NA IBINEBENTA, NASABAT SA CAGAYAN

Nasabat sa Barangay Roma Norte, Enrile, Cagayan ang higit isang milyong halaga ng produktong petrolyo na iligal na ibinebenta matapos isilbi ng CIDG Cagayan PFU, Enrile Municipal Police Station at iba pa ang search warrant.

Sa nakuhang impormasyon ng 92.9 Brigada News FM Cauanyan sa CIDG Region 2, isinilbi ang search warrant laban sa nagmamay-ari, manager at operators ng C-gas Refilling Plant.

Ito ay matapos mapatunayang lumabag ang mga ito sa Batas Pambansa Bilang 33 na inamyendahan ng Presidential Decree 1865 at Republic Act 5700.

Naaresto naman ang anim na indibidwal na sangkot umano sa iligal na pagbebenta at distribusyon ng produktong petrolyo.

Ang nasabing oparsyon ay nagresulta rin sa pagkakakumpiska ng mga walang lamang tanke at iba pa kung saan sa kabuoan ay nagkakahalaga ito ng P1,529,300.

Sa ngayon ay nasa kustodiya na ng CIDG ang mga naarestong suspek para sa karagadang dokumentasyon bago ipasakamay sa korte upang harapin ang karampatang kasong isinampa laban sa mga ito.

PHOTO: CIDG RFU2

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *