Nasabat ng pulisya ang mahigit P1.5 milyong halaga ng iligal na droga mula sa isang 33-anyos na chef at umano’y drug courier sa isang buy-bust operation sa Makati City.

Kinilala ng pulisya ang lalaking suspek na si alyas “R”, na naaresto sa isang delivery express company sa Barangay Guadalupe Nuevo at nahaharap sa kasong paglabag sa Section 5 ng Article II ng Republic Act 9165, o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Nakumpiska sa suspek ang hinihinalang droga na nagkakahalaga ng P1,540,000.
Nag-ugat ang operasyon matapos makatanggap ng reklamo ang Substation 7 mula sa isang empleyado ng delivery express na sinabing ginagamit ng suspek ang kanilang serbisyo bilang courier sa pagbibiyahe ng iligal na droga, kabilang ang marijuana kush, marijuana oil, at iba pang drug paraphernalia.