P1 milyong halaga ng illegal na droga, nasamsam sa Camarines Sur

NAGA CITY- Timbog sa ikinasang drug buy bust operation ang isang drug personality sa Pili, Camarines Sur.

Kilala ang suspek na si Gregorio Richelieu Ayen y Esmabe, alyas “Bayot”, 51 anyos ng La Purisima naturang bayan.

Nangyari ang operasyon 10:50  Miyerkules ng umaga sa bahay mismo nito pagkatapos na mapagbilhan nito ng isang sachet laman ang pinaghihinalaang shabu ang isang pulis na tumayong poseur buyer sa halagang P500.

Nang maibigay na ng suspek ang sachet, kaagad itong inaresto ng mga operatiba na nakapwesto na lugar. Nakuhaan ng subject ng limang sachet na may laman shabu sa bulsa nito.

Samantala,  nang haloghugin pa ng searcher ang motor ng suspek, doon tumambad ang limang malalaking sachet laman ang pinaghihinalaang shabu at isang kalibre 38 na revolver.

Napag alaman naman ng Brigada News FM Naga na 150 grams ang nasamsam na droga sa suspek at nagkakahalaga itong P1,020M.

Itinuturing naman na isang malaking akomplishemento ang na-ikasang operasyon ng PNP lalo na’t papalapit na ng papalapit ang kafiestahan ng bayan nang Pili.

Itinanggi naman ng suspek na pag-aaari niya ang item, ayon kay “Bayot” planted an mga narekober.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *