P130-B ilalaan sa pagpapa-pribado ng NAIA

Sinabi ng Department of Transportation na ang mananalong bidder para sa rehabilitasyon ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ay kailangang gumastos ng P130-B para sa imprastraktura sa susunod na limang taon bilang bahagi ng terms of reference ng privatization.

Ayon kay Transportation Secretary Jaime Bautista, ang terms of reference para sa privatization ng NAIA ay magsasama ng mandatory infrastructure spend bukod sa upfront payment na hindi pa natutukoy.

Dagdag pa aniya, bahagi nito ang paglalaan ng kaukulang pera para sa naturang imprastraktura bilang bahagi ng pangako na gumastos para rito

Sa loob ng tatlo hanggang limang taon, aabutin ng P130-P ang investment para rito

Sa pamumuno ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ay pinagdesisyunan ng National Economic and Development Authority (NEDA) Board na isulong ang plano na gawing pribado ang nasabing airport.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *