P134 milyon, inilaan ng DENR REGION 2 para sa additional area for development

Naglaan ang Department of Environment and Natural Resources Region 2 ng 134 milyon pesos para sa additional area for development ng mga prayoridad na programa sa watershed management at pagsasaayos ng kabundukan.

Ito ang inihayag ni DENR Regional Executive Director Gwendolyn Bambalan sa Special Tipon-Tipan ng PIA Region 2.

Aniya, ang nasabing pondo ay inilaan sa pagpapaunlad sa 1,490 na ektarya ng lupa na tatamnan ng punongkahoy lalo’t nagsimula na umano ang tag-ulan.

Ayon pa kay RD Bambalan, ngayong taon ay mayroon nang 3,884 na benepisaryo mula sa Batanes, Cagayan, Isabela, Nueva Vizcaya at Quirino.

Ito ay kinabibilangan ng mga pamilyang direktang kabilang sa produksyon ng itatanim na puno, plantation establishments, maintenance at protection kung saan nabibigyan ang mga ito ng trabaho sa pamamagitan ng mga inilatag na programa ng ahensiya.

Mayroon din aniyang 682 na ektaryang lupain na nakatakdang tamnan ng kawayan na isa sa prayoridad ng ahensiya ngayong taon.

Nakasaad din umano sa direktiba ng DENR central office ang pagtatanim ng mga punongkahoy kabilang sa indigenous species partikular sa mga protected areas bilang tugon sa nararanasang climate change.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *