Naglaan ng P16M pondo ang Bureau of Immigration para pambili ng body camera para sa mga secondary inspectors ng ahensiya.

Sinabi ni BI Commissioner Norman Tansingco, ang mga camera na bibilhin, aniya, ay may kakayahang mag-livestream upang masubaybayan ng kanyang tanggapan ang mga aktibidad ng mga tauhan ng ahensiya sa loob ng paliparan.
Nasimulan na raw ang procurement process dito at inaashaang sa katapusan ng taon ay masisimulan ng gamitin ang mga cameras.
Ang technological upgrades, ayon kay Tansingco, ay bahagi ng drive ng ahensiya na gawing moderno ang mga operasyon nito upang makasabay ang Pilipinas sa mga foreign counterparts.