P1K-P10K multa sa mga tsuper at operators na hindi tatalima sa ‘No Vax, No Ride’ Policy

Posibleng magmulta ng P1,000 hangang P10,000 ang mga drivers at operators ng mga pampublikong sasakyan na hindi susunod sa ipapatupad na “No vaccination, No ride” policy ng Department of Transportation (DOTr).

Ayon kay DOTr Road Transport Sector Assistant Secretary Mark Steven Pastor ang mga drayber at operators ang kanilang hahabulin at hindi ang mga pasahero.

Maliban sa multa posible ding masuspinde ang prangkisa nito depende sa kautusan na kanilang nilabag.

Paliwanag ni Pastor, responsibilidad ng mga tsuper at operators na tiyaking nasusunod ng mga pasahero ang health at safety protocols.

Nilinaw naman ng opisyal na hindi pa rin ligtas sa pananagutan ang pasahero dahil posible din itong maparusahan depende sa ordinansa ng local government unit.

Sa lunes mahigpit nang ipapatupad ang ‘No vax, No ride” policy alinsunod sa kautusan ni Pangulong Duterte na limitahan ang galaw ng mga hindi pa bakunadong indibidwal kontra COVID-19.

Leave a Reply

Your email address will not be published.