P1M Tilapia fingerlings program, tugon sa kawalan ng karagatan sa bayan ng Irosin, Sorsogon

SORSOGON CITY – Nagpapatuloy ngayon ang pamamahagi ng Lokal na Pamahalaan ng Irosin ng Tilapia fingerlings sa lahat ng mga fishpond owners sa bayan.

Paliwanag ng alkalde ng bayan, tugon ito ng LGU dahil sa kawalan ng kagaratan sa kanilang lugar na mapangingisdaan ng mga residente.

Dagdag pa ng alkalde plano nilang palakasin pa ang mga palaisdaan sa bayan upang kilalanin sa buong lalawigan kung saan mayaman sila sa tubig tabang at mga kalupaan.

Maliban sa tilapya pinaplano pa ng LGU na magdadag pa ng mga isdang nabubuhay sa tubig tabang na maaaring maibenta sa kanilang pamilihang bayan.

Mababatid na bukod-tangi ang bayan ng Irosin sa buong lalawigan na walang nasasakupang karagatan kung kaya’t umaasa na lamang ang mga mamamayan sa mga ibinabagsak na isda mula sa mga kalapit bayan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *