Posible pa naman daw na maabot ang 20 pesos na presyo ng kada kilo ng bigas, na naging campaign promise ni Pangulong Bongbong Marcos.
Sa Press Briefing sa Malacaรฑang, sinabi ni National Economic Development Authority o NEDA Secretary Arsenio Balisacan na kailangan lang pataasin ang productivity ng agriculture sa bansa.

Ani Balisacan, malaking tulong sa pagpapataas ng productivity ang pag invest sa pagpapabuti ng irrigation,pest control,logistics, at subukan ang mga modern high yielding variety ng mga palay, na resilient sa climate change.
Ipinunto pa ng kalihim na matagal na napabayaan ang sektor ng agrikultura sa bansa, kaya hindi kakayanin sa buong magdamag ang solusyon sa mataas na presyo ng bigas.
Mahalaga rin anya ang mga plano na makakapag sustain sa mga programa na magpapalakas sa agrikultura tulad ng nakapaloob sa Ambisyon natin 2040.
Samantala, wala namang maibigay na timeline si Balisacan kung kelan magiging posible ang 20 pesos na kada kilo ng bigas, pero ang malinaw sa ngayon maituturing pa itong suntok sa buwan.