Tinatayang aabot sa P200M ang kakailanganing pondo ng LGU Castilla para sa rehabilitasyon ng kanilang mga tourist destination at kontruksyon ng mga tourism facilities.
Ayon kay Municipal Tourism Officer Jong Fernandez, ang nasabing pondo ay maaari nilang kunin sa pondo ng munisipyo, Department of Tourism o DOT gayundin sa pamamagitan ng out sourcing.
Target naman nilang makumpleto ang nasabing mga proyekto sa taong 2027 kung saan positibo si Fernandez na kapag naisakatuparan ay doble ng kanilang ginastos ang maibabalik na kita.
Sa kasalukuyan ang bayan ng Castilla ay mayroon nang higit sa 8 mga tourist site na puwedeng pasyalan ng mga turista.
