P22Billion, inilaan ng DBM para sa pagpapalakas ng healthcare services sa buong bansa

Palalakasin ng pamahalaan ang healthcare system sa buong bansa.

Sa tulong ito ng 22. 98 billion pesos na inilaan ng Department of Budget and Management o DBM para sa Health Facilties Enhancement Program.

Ilalaan ang naturang pondo sa pagtatayo, pag upgrade, at pagpapalawak ng mga pasilidad na pangkalusugan na pinatatakbo ng pamahalaan.

Gayundin ang pagbili ng mga kagamitan sa ospital at medical transport vehicles.

Prayoridad din ng programa ang Universal Healthcare sites at geographically isolated and disadvantaged areas.

Layon nitong palakasin at mapahusay ang mga pamantayan sa pangangalaga ng kalusugan sa buong bansa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *