Natanggap ang mga kooperatiba at asosasyon ng magsasaka sa Isabela ng mga makinarya mula sa Department of Agriculture Philippine Center for Postharvest Development and Mechanization.
Ayon sa DA Region 2, ang pamamahagi ng mga makinarya ay pinondohan sa ilalim ng Rice Competitiveness Enhancement Fund.
Hinihikayat naman ang mga magsasakang nakatanggap nito na gamitin at alagaan ng maayos ang mga makinarya na malaking tulong sa kanilang sakahan.
Tiniyak naman ni DA Regional Director Narciso Edillo na tutugunan ng kanilang kagawaran ang pangangailangan ng mga magsasaka sa lambak partikular sa sa binhi, abono, irigasyon, pautang, pagsasanay, postharvest facilities, processing equipment at mga kahalintulad na makinarya.
Kabuoang 112 na makinarya ang ibinigat sa 75 Farmers Cooperative Association at Local Government Unit sa Isabela kung saan nagkakahalaga ito sa kabuoan na 240 milyon pesos.
Isinagawa rin ang kaparehong aktibidad ngayong araw sa Cagayan habang natapos na noong February 15, 2023 sa Quirino at inaasahang magkakaroon ng distribusyon sa Nueva Vizcaya sa ikalawang linggo ng Marso.