P27K halaga ng shabu, baril at armas, nakumpiska sa isang suspek sa Laguna

Arestado ang isang lalaki sa ikinasang operasyon ng mga otoridad sa Brgy. Ganado, Biñan City, Laguna.

Kinilala ng Laguna Police Provincial Office ang suspek na si alyas ‘Michael’ na residente ng naturang lugar.

Nasamsam sa akusado ang anim na pirasong transparent plastic sachets na naglalaman ng hinihinlang shabu na may timbang na humigit kumulang 4.2 gramo at may halagang tinatayang aabot sa Php 27,300.00.

Narekober din mula sa kanya ang isang unit ng caliber 9mm pistol, isang pirasong magazine ng caliber pistol 9mm, siyam na piraso na bala ng 9mm, isang pirasong coin purse at isang pirasong sling bag.

Samantala, ang mga nakumpiskang hinihinalang iligal na droga, baril at mga bala ay isusumite sa Crime Laboratory para sa forensic at ballistic examinations.

Sa kasalukuyan ay nasa kustodiya na ng Biñan City Police Station ang arestadong suspek na nahaharap sa mga kasong paglabag sa RA 10591 o “Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act” at RA 9165 O “Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002”.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *