P300K kada araw, kinikita ng mga KADIWA stores – DA

Ipinagmalaki ng Deparment of Agriculture (DA) na aabot na sa P28Million ang kabuoang revenues na nakolekta mula sa iba’t ibang mga KADIWA ng Pasko Caravans sa bansa.

Ayon kay DA spokesperson Asec. Kristine Evangelista, ang naturang halaga ay kinita na ng iba’t ibang mga agricultural cooperatives, at mga magsasaka sa bansa.

Aabot na rin aniya sa halos P300,000 ang kinikita ng mahigit 350 KADIWA ng Pasko Caravans sa iba’t ibang sulok ng Pilipinas.

Bago pa man ito, una nang ipinangako ni Pangulong Bongbong Marcos na palalawigin pa nila ang naturang programa kahit tapos na ang Pasko.

Umaasa rin ang Pangulo na makakamit na nila ang ipinapangako nitong P20 kada kilo ng bigas sa merkado.

Kung maaalala, mayroon nang mabibiling P25 per kilo na bigas sa mga KADIWA, ngunit sa ngayon ay limitado pa lamang ito.

Sa kabila niyan, tiniyak ni Marcos na sapat pa rin ang suplay ng bigas para sa mga KADIWA.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *