P326 Billion, kinakailangang kitain ng PH para mabayaran ang utang – Albay Rep. Salceda

BNFM BICOL – Aabot sa P326 billion ang kinakailangan na kita ng Pilipinas upang mabayaran ang inutang nito noong kasagsagan ng COVID-19 pandemic.

Ito ang inihayag ni House Committee on Ways and Means Chairperson at Albay Rep. Joey Salceda, kung saan maaaring bawasan ng gobyerno ang panggastos nito sa serbisyo publiko o muling mangutang ng pambayad sa utang.

Upang hindi umano lumaki ang interes na babayaran sa inutang, sinabi ni Salceda na dapat ipakita ng gobyerno na hindi palubog ang ekonomiya ng bansa at may kakayanan itong magbayad.

Dagdag pa nito,  ang pagpapalawak ng tax revenue mula sa digital transaction at pagpapalakas ng mga estratehiya sa pangongolekta ng buwis gaya ng RATE Run After Tax Evaders, RIPS (Revenue Integrity Protection Service), at RATS (Run After the Smugglers).

Samantala, Hihilingin umano ni Salceda sa susunod na administrasyon ang pagpapatupad ng reporma sa Bureau of Internal Revenue gaya ng pagtatayo ng digital taxation service, transfer pricing service, at mas simpleng pagbabayad ng buwis.###

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *