P5.268-trillion 2023 national budget, inaprubahan na ng Senado sa huling pagbasa

Inaprubahan na ng Senado sa ikatlo at huling pagbasa ang General Appropriations Bill na naglalaman ng P5.268-trillion national budget para sa sa susunod na taon.

Sa dalawampu’t isang affirmative votes, walang negative votes, at walang abstention, ang panukalang budget ay naaprubahan halos isang linggo pagkatapos ang mga debate at interpelasyon sa iminungkahing budget para sa lahat ng ahensya ng gobyerno.

Ang panukala ay naunang na-certify bilang urgent ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Sa isang pahayag, sinabi ni Senate Finance Committee Chairman Sonny Angara na ang bicameral conference committee meetings ay magsisimula sa Biyernes upang pagtugmain ang mga disagreeing provisions ng House of Representatives at ng Senado.

Itinalaga bilang miyembro ng bicameral conference committee Angara, Senate President Pro Tempore Loren Legarda, Senators Pia Cayetano, Imee Marcos, Cynthia Villar, Mark Villar, Ronald dela Rosa, Sherwin Gatchalian, Bong Go, Risa Hontiveros, Nancy Binay, Grace Poe, Francis Tolentino, JV Ejercito, Alan Peter Cayetano, Francis Escudero, at Jinggoy Estrada.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *