P5.268Trillion National Budget, malalagdaan na pagbalik ni BBM mula sa Brussels Trip – Speaker

Kumpiyansa si House Speaker Martin Romualdez na madali nang malalagdaan ni Pangulong Bongbong Marcos ang proposed P5.268 Trillion 2023 National Budget.

Ayon kay Romualdez, inasahan nilang nakalatag na sa tanggapan ng punong ehekutibo ang pinal na bersyon ng dalawang Kapulungan ng Kongreso matapos ang pagpunta ni Marcos sa Brussels sa susunod na linggo.

Ibig-sabihin, pagkauwi ng Pangulo ng bansa ay posible na raw itong malagdaan at pormal nang maisabatas.

Kamakalawa nang ma-ratify na ng Senado at Kamara ang pambansang pondo.

Matatandaaang nakatakda nang lumipad sa susunod na linggo si Marcos papuntang Belgium para dumalo sa EU-ASEAN Commemorative Summit.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *