P5.5-M na halaga ng rehabilitation assistance ipinamahagi ng D.A sa mga magsasaka at hog raisers na naapektuhan ng kalamidad at ASF sa Catanduanes

BNFM BICOL—Anim na buwan na ang nakakalipas mula nang manalasa ang super typhoon Rolly sa probinsiya ng Catanduanes ngunit hanggang sa ngayon ay nagpapatuloy pa rin ang pag rekober ng islang lalawigan mula sa iniwang pinsala ng kalamidad partikular ang sektor ng Agrikultura dagdagan pa ng krisis na idinulot naman ng African Swine Fever sa mga magbababoy.

Kaugnay nito, masayang ibinahagi ng Department of Agriculture na nasa 100 rice farmers at livestock raisers sa islang lalawigan ang kanilang nabigyan ng rehabilitation assistance na may kabuuang halagang aabot sa P5.5-Million.

Bukod dito, namahagi rin ang nasabing ahensya ng binhi ng palay at mga fertilizers sa mga benepisyaryo naman ng D.A Special Permit for Agricultural Development at sa 66 na mga livestock beneficiaries.

Matatandaan na Nobyembre noong 2020 nang mag-iwan ng P1.4 Billion na pinsala ang bagyong Rolly sa sektor ng agrikultura, post harvest facilities at maging sa imprastraktura habang bago matapos ang taong 2020 ay tinamaan naman ng ASF ang mga alagang baboy na ikinalugi ng mga hog raisers sa probinsya ng Catanduanes.##

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *