P5 billion, inilabas na ng DBM para sa TCT Program ng DSWD

Inilabas na ng Department of Budget and Management (DBM) ang P5.2 billion para ma-cover ang one month requirement ng Targeted Cash Transfer (TCT) program ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Inaprubahan ni Budget Secretary Amenah Pangandaman ang Special Allotment Release Order (SARO) na nagkakahalagang P5.2 billion para sa DSWD.

Read More:  Palace rebukes Pulong Duterte over criticism of Marcos administration

Ang nasabing budget ay inaasahang i-cover ang third tranch ng TCT program, at aabot sa 9.8 million ang makikinabang.

Ayon sa budget secretary, sinusuportahan ng DBM ang mga proyekto at programa na makapagbibigay ng social assistance o tulong sa mga Pilipino.

Read More:  DILG chief reveals options given to Jinggoy Estrada as arrest warrant looms

Dagdag pa niya, ang Presidente mismo ang nagsabi na hindi dapat mabalewala ang mga urgent needs o mga pangangailangan na kailangan ng agarang tulong.

Ang TCT program ay nagbibigay ng P500 kada buwan para sa mga sambahayan na pinakanangangailangan, kasabay ng pagtaas ng presyo ng bilihin at gasolina. // SMM