P500.00 Social Pension para sa mga Senior Citizens buwan posibleng i-release na sa Naga

NAGA CITY – Sa pagpasok pa lang ng buwan ng Abril ngayong taon, marami ng mga senior citizens sa Naga City ang pabalik-balik na sa City Social Welfare and Development Office para mag follow-up ng kanilang social pension.

Una ng naipangako sa mga benipisyaryong Lolo at Lola na Abril nila makukuha ang pension na ito mula Enero na P500.00 bawat buwan mula sa Department Of Social Welfare and Development o DSWD.

Sa pag beripika ng Brigada News Fm Naga kay Annabelle Vargas, ang head ng CSWDO nabanggit niya na nasa proseso ng pag payroll pa lang ang DSWD Regional Office at ngayong tapos na ang holy week, posible na itong ma i-release sa mga benipisyaryong senior citizens.

Ang ire-release sa mga itong social pension simula Enero hanggang Hunyo ngayong taon, nangangahulugang tig tatlong libong piso ang matatanggap ng bawat isa.

Nabangit pa ni Vargas ang pag release ay gagawin sa mga barangay na, na mismo sila ang magbibigay sa mga naghihintay na mga benipisyaryo.

Agad silang makikipag-ugnayan sa mga barangay opisyal sakaling ma download na sa kanila ang pondo.  

Ang Naga City ay may halos tatlong libong benipisyaryong senior citizens ng social pension.   

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *