P500 krudo ibinigay sa jeep at van drivers sa Sorsogon

SORSOGON CITY – Nagbigay ang Pamahalaang Panlalawigan, sa ilalim ng Committee on Transportation ng P500.00 halaga ng diesel sa mga jeep at UV Express drivers.

Sa panayam ng Brigada News FM-Sorsogon sa presidente ng Sorsogon Integrated Transport Federation (SORINTRAFED) na si Ramon Dealca, ang nasabing halaga umano ay katumbas ng 10 litro ng krudo.

Ayon pa dito, mas mababa sa 300 miyembro ang nakakuha ng nasabing halaga sa unang distribusyon na ginanap kaninang umaga, Oktubre 14 sa Capitol Building dahil ang iba ay hindi nakapagrehistro.

Nabatid na ang SORINTRAFED ay may kabuuang 655 na kasapi.

Ayon pa kay Dealca, nangako naman umano ang Chairman ng Committee on Transportation na si Board Member Ryan Dioneda na may susunod pa na pagbibigay ng free stubs hanggang sa buwan ng Disyembre at inaasahan na madagdagan pa ang mga benepisyaryo ng nasabing halaga.

Aabot naman sa mga 6 na gasolinahan ang nakontrata ng LGU province na magkakarga ng libreng krudo sa mga benepisyaryo.

Ang Consumer Welfare Month ay ipinagdiriwang tuwing buwan ng Oktubre, subalit ayon sa Committee on Consumer Protection, walang dapat na ipagdiwang dahil sa mataas na presyo ng produktong petrolyo at iba pang pangunahing bilihin.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *