NAGA CITY- P50K ang inilaang pabuya para sa makakapagturo sa suspek o responsable sa pagpatay sa 11-anyos na Grade 6 pupil sa Sitio Pagsimbugan, Mapid Lagonoy Camarines Sur.
Ito ang sinabi ni Mayor JB Pilapil III sa flag raising ceremony kahapon.
Ayon kay PMAJ. Romeo Ranara , hepe ng Lagonoy PNP, tinitiyak nila na mapapangalagaan ang pagkakakilanlan ng magbibigay ng impormasyon. Maaaring tumawag sa 09183189108 o kaya ay personal na tumungo sa kanilang himpilan.
Sinabi pa sa Brigada News FM Naga ni Ranara na may tatlong person of interest na tinututukan at dumaraan na ang mga ito sa proseso.
Mababatid na Mayo 9 ng hapon natagpuang ang 11-anyos na biktimang si Jean Antones sa may ilog ng nasabing barangay , may tama ng saksak at wala nang buhay