P5k financial assistance para sa pamilyang namatayan, ibibigay ng pamahalaang lalawigan

SORSOGON CITY – Magbibigay ang Pamahalaang Lalawigan ng Sorsogon ng limang libong (P5K) financial assistance para sa mga pamilyang namatayan.

Ayon kay Salvador “Dong” Mendoza, Sorsogon Provincial Information Officer at focal person ng kalusugan program ng lalawigan, magbibigay ng tatlong libong piso ang lalawigan at dalawang libong piso mula sa bayan para mabuo ang nasabing limang libong burial assistance.

Dagdag pa ni Mendoza, sisikapin nila na masimulan ang nasabing programa ngayong buwan ng Nobyembre.

Bukod pa rito binanggit din ng opisyal na magkakaroon din ng botika para sa mga Sorsoganon at ‘Doctors to the Household’ bilang bahagi pa rin ng programang pangKalusugan ng Provincial Government.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *