P5M halaga mula sa DOH 4-A, hinihintay ng medical workers

Aminado ang Department of Health o DOH-CALABARZON na mayroon pa ring mga health workers sa rehiyon ang hindi pa natatanggap ang kanilang health emergency allowance.

Sa ulat ni Assistant Regional Director Dr. Leda Hernandez, sa kasalukuyan ay nasa P5,208,764,704 ang halaga ng naimapahagi na health emergency allowance ng kagawaran.

Kalahati ito sa sampung bilyong pisong kailangan ng DOH-4A para mabigyan ang lahat ng health workers ng nasabing allowance.

Ayon kay Regional Director Assistant Secretary Ariel Valencia, sa ngayon ay hinihintay pa nila ang karagdagang limang bilyong piso.

Kaugnay nito, aminado rin ang kagarawan na may kakulangan pa rin sa health workers ang rehiyon.

Sa datos ng DOH-4A, sa ilalim ng National Health Workforce Support System, bumibilang sa 5,518 ang lahat ng medical workers sa CALABARZON.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *